Ang sakit-sakit pag may mga desisyon kang pinagsisihan noh?! These are times when you think about those days that everything could have been like this if I did these. Hay! Sana maka-move on na ako sa mga regrets na'to. Ang tanda-tanda ko na para mag-regrets ng mga bagay. Paano ba naman kasi, may isang taong nagbabalik from the past. Sino sya? Well, dahil sa nonymous naman ako sa inyu, iki-kwento ko para naman mabawas-bawasan tong bigat na dinadala ko.
He's a guy, and he's my ex-boyfriend. At uu lablife po eto. Kunti lang naman ang super bigat na problema sa mundo - family feuds, money, at health issue.
Anyway, he was such a very good guy. Lahat ata ng whims ko sinusunod nya. May pagka-demanding kasi ako sa relationship. Feelengera lang! Akala ko nuon kahit anong pasakit na gawin ko, di sya mapapagod. Hiniwalayan ko sya just because I needed to pick up myself (ewan kung san-san ko kasi naiiwan sarili ko before). So, nasaktan ko sya.
Lahat daw binigay nya para lang mag-work ang relationship namin. Halos ipakasal na nga kami ng mommy niya kasi nga etong si boylet, inlababu naman kasi masyado. At alam nyo gusto ako ng mommy at family niya kasi super idealistic at ambitious ako. Tapos pretty (di super maganda basta di pangit) at mabait pa. hehehe
Ang boring kasi ng life ko before. I needed some change. Ewan kong anong change naman yun. I really didn't know what was missing then. And I was young during those days. Hiniwalayan ko sya. pero nakipagbalikan din naman ako after few months when I realized that I couldn't live without him. Eh ayaw na nya. Ang sakit daw kasi. Sya nanaman daw ang manghihingi ng time. Chos! Madali akong kausap eh. So we moved on for more than a year. I met someone else, and he has someone else after a year.
But then again, etong makulit na older brother nya naging bridge para kami magconnect. Until now, tumatawag pa rin sya sakin, at nasasabik parin ako sa mga kwento nya. Hay! Ayoko sanang maging ganito ang lahat. Talo kasi ako kasi in a relationship na kaming dalawa. Ang pangit talaga pag nagi-guilty ka.